Linggo, Disyembre 30, 2012

Disyembre 24 JournaL !

Disyembre 24, 2012

Dear journal,

          Noche buena incoming ! HAHAHA :D
          Nabulabog ako sa cellphone ni papa ! may tumawag kasi hehehe ! si lola pala un. excited ng pumunta sa house ! together with my other relatives. sinundo na sila ni papa sa bus station. tuwang-tuwa kami pagdating nila.
          ang dami naming handa. may spaghetti, biko at buko salad ! hay hayahay nanaman ang aking tiyan :) kaso ako naman ang tagahugas >,< ano ba yan ??? pikturan lang ang tema namin ngayon. ang saya-saya ! 12:00 am incoming ! pasko na ! kainan, inuman, at pikturan nanaman ! hahaha :D ansaya-saya super duper !!!

Sabado, Disyembre 22, 2012

Disyembre 23 JournaL !

Disyembre 23, 2012

Dear journal,

          Pagising ko, grabe ! some messages appearing on my cellphone ! medyo tinanghali ng gising ! Pa'no ba naman ... HAHAHA :D tagpuyat kase eh ! sabay OL ulit !!! susulitin yung load ! mamaya daw ibibili na daw yung kapatid ko ng new cellphone !!! atat na nga siya eh !
          Currently eating. sakit ng tiyan ko tss ... Osha wala na po akong masabe !!! excited na ako sa new cp ni kapatid :)))
          Ansaya OL Si TOOT !!! HAHAHA :D
          (Ayan ka nanaman Dianne eh!)
          Kinahapunan, pumunta kami sa SM. at the end of the day, andami naming napamili ! mga handa for the noche buena and some gadgets like camera, memory card and cellphone ! ANSAYA !
          Kailangan ko pa palang umiyak para lang mabilhan ako HAHAHA :D

Disyembre 22 JournaL !

Disyembre 22, 2012

Dear journal,

          Ang saya ko ngayon !!! (I'm free!) as usual, maganda ang gising ko ngayon. maganda ang sikat ng araw. pero sobrang LAMiG ! feel ko hindi pa spat ang kape sa umaga !Hehehe ! pero pagdating naman ng tanghali sobrang init ! parang ayoko nang umalis sa shower nung mga oras na iyon. kinahapunan, natulog na lang ako ! wala naman kasi akong magawa eh ! sakto may load ang computer kaya gabi magdamag along OL ! kung ano-anong pinaggaggawa ko ! gumawa ako ng slideshow !!! HAHAHA :D kakatuwa !!!

Disyembre 21 JournaL !

Disyembre 21, 2012

Dear journal,

          DOOMSDAY !!!
          Parang ayoko nang magising !!! nakakatakot kasi ang panaginip ko eh !! (wag nyu nang tanungin kasi nakakatakot talaga eh!) End of the world na daw kas€e ?!!!! SUS !!! maniwala !
          Maghapon akong tulala at inaabangan ang pag kulay-lila ng langit dahil iyon na daw ang senyales na magugunaw na ang mundo !!! Sa halip na tumunganga ako sa isang tabi ay tumulong na lamang ako sa mga gawaing bahay !!!
         Sa paglipas ng mga oras ay wala pa ring mangyayari ! hanggang sa sumapit na ng gabi ! nanood ako ng balita at sinabi doon na ayon sa isang explorer, 5 billion years pa daw bago magunaw ang mundo !!!
          Sobrang thankful ako kay God dahil hindi naganap ang Doomsday ! bilang pagpapasalamat, nag simbang gabi kami ni mama !!!
          THANK GOD :)))

Disyembre 20 JournaL !

Disyembre 20, 2012

Dear journal,

          Christmas party time !!! Ang ganda ng gising ko ! (pa'no maganda rin yung panaginip eh!) Naghahanda na ako... and then nung papunta na ako, nakasalubong ko ang aking mga kaklase na bibili pa pala ng mineral water para sa aming drinks mamaya. ang hirap ! first time ko magbuhat ng water jug at dadaan sa BUNDOK ! Watss ?! sa wakas, nakarating din kame !!!
          Party starts !!! may palaro hehehe !!! nakakatawa ! Basta wag kuna sabihin !!! but at the middle, i feel bored >.< wala kasing ginagawa tulala lang. and then nag-decide kami na kumain kami and last is the "Monito-monita" exchange gift !!!
          Ang cute ng nakuha ko !!! Gangster cap (Color violet) !!! thanks Jewanie Ann Bien :*

Disyembre 19 JournaL !

Disyembre 19, 2012

Dear journal,

          The 3rd and last day of our cultural show (mamimiss ko to!) yehey ! manonood si mama ! ang saya-saya ! sabi ko sa sarili ko gagalingan namen hehehe ! para naman mapahanga ko siya kahit unti ! before that tinapos ko muna ang T.L.E ! as usual, hindi nanaman ako nakapasok ! salamat kay mama at kay ate insan dahil tinulungan nila ako sa paggawa ng bakod !
          Gorra na ako sa school ! pina-check ko muna kay sir Espina ang aking miniature. hindi pala dapat nakadikit yung bubong ! anu ba Yan mali :/ pero ok lang. at least nacheckan ! i prepared myself for the last day of the performance ! nagpamake-up ulit ako !
          And the performance was started. kinakabahan ako dahil andun si mama ! but at the end of the show, SOBRANG SAYA GRABE ! sumayaw kasi yung mga teachers (including principal this time) ng chacha ! nagkanda paos na ako kakasigaw pero sobrang saya talaga as in ! sana maulit pa yun next year !!! at sana maging part ulit ako nun ...

Disyembre 17 JournaL !!!

Disyembre 17, 2012

Dear journal,

          Unang araw ng aming cultural show na pinamagatang "Pamana". sobra akong nasiyahan dahil ang Himig Mambugan Choir (Syempre kasama ako dun!) ay magiging bahagi ng nasabing palabas. sabi ng principal kahit na di na kame pumasok kase excused naman kame. kaya hindi na ako pumasok ngayong araw dahil marami pa akong dapat tapusin, tulad ng miniature sa T.L.E. at tulong sa pag-aaral sa A.P. sa katunayan, malapit ko na silang matapos. ang kaso nga lang ay laging wrong timing si tamaditis ! mayat-maya'y dumarating ! yan tuloy ! kinahapunan, pumunta na ako ng school para sa cultural show. bagamat may palya man kame sa aming pagkanta, sa huli sobrang saya naman !
pa'no naman kase eh sumayaw ang mga piling guro sa MNHS. at syempre hindi nagpahuli ang aming principal ! Hahaha :D sa sobrang saya nabuwal pa yung upuan. haist ! after nun pumunta kame ng marikina para bumili ng panregalo. tapos nag rides kame with a bang ! BOOMERANG ! ayoko na talagang sumakay dun ! kakalula kase eh !!! at the end of the day, even pagod ay super happy !!!

Linggo, Disyembre 9, 2012

TaTa SeLo Ni RogeLio R. SiKaT




NanGyaRi Sa AkDanG iTo aNg PagHihIRap Na DiNanAs Ni TaTa SeLo At Ni SaLinG KaY KaBeSanG TaNo ...

Biyernes, Nobyembre 30, 2012

Linggo, Nobyembre 25, 2012

Sa PuLa Sa PuTi Ni FraNciSco RoDriGo








 aNg NatutUnAn Ko Sa DuLaNg iTo Ay HinDi DaPat NanDaRayA DahiL MaAaRi iTonG MagBunGa Ng HinDi MaGaNda Sa iYo, Sa PaMiLya At Sa BayAn Mo...

BanaaG aT SiKaT ni LoPe K. SaNtOs


Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.

Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.

Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.

Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.

Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.

Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.

Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.

Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.

Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.

Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.

Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.

Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.

Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.

Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.

Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.

Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang diin ng gabi."

( kinuha sa http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/1/Banaag-at-Sikat-buod-ng-nobela?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem)


 AnG NoBeLa aY TUngKoL Sa PaGigiNg SosYaLiSta Ni DeLfin At AnaRkiSta Ni FeLiPe.

Sabado, Nobyembre 17, 2012

GawAin ...



Ang KaLuPi




aNg NaTutuNan Ko Sa aKdanG iTo Ay HuwAg AGad HumUhuSga Sa isANg TaO Base Sa KaniLanG PanLaBas Na itSura DaHiL MaaAri iTOng HumaNtONg Sa PagSisiSi !!!

Huwebes, Nobyembre 1, 2012

Mga HuDyaT nG baGonG KabiHaSnAn



 aNg NatUtunAn Ko Sa aKdaNg iTo aY Ang mGa naiImBenTong Mga MakaBagOng TekNoLohiYa aY MaAaRing MakAkaPagDuLoT Sa aTin nG MaSama aT mAaAri RinG MagDulOt Ng mGa diGmaAn .

Huwebes, Setyembre 20, 2012

AraLin Blg. 7: Sa Lupa Ng Sariling Bayan Ni RogeLio Sikat





ang natutunan ko sa akdang ito ay dapat kahit may galit tayo sa ating bayan ay lumingon parin dahil doon tayo nanggaling . at dapat marunong tayong lumingon sa sarili nating bayan.